Monday, May 02, 2011

Guys we fall in love with :)

  • Crush ng bayan - Siya yung tipong maraming babae ang naakit. Mahirap ma-fall sakanya kasi marami kang ka-compete. Sa sobrang dami ba namang babaeng nakabuntot sakanya, eh malabo ka ng mapansin. Halos nasa kanya na yung mga hinahanap mo sa isang lalaki.
  • Paasa - Pinapa-inlove ka, tapos papaasahin ka lang. Mapaparamdam niya sayo ang sobrang sarap na relationship, pero hindi magtatagal. Yan yung mga lalaking pa-fall pero hindi ka naman sasaluhin. Yung akala mong may magiging “kayo” yun pala eh, wala naman. 
  • Torpe - Kahit gustong-gusto ka na, eh hindi parin gumagawa ng “move” para ma-express sayo. Sila yung mga tipong mahiyain pagdating sa babae. Hindi nila pinapaalam kung gusto ka o hindi, mismong ibang tao pa ang magsasabi sayo. Kahit ganyan yan, matindi yan kung magmahal.
  • Loyal - Stick to one. Yan yung mga lalaking swerte ka pag nasayo. Ikaw lang ang bukang-bibig niya, nakatatak ka na sakanyang puso at isipan. Chos. Usually nagtatagal ang relasyon niyo pag may kasama kang boylet na ganito. Kahit sobrang dami ng babae sa paligid niyo, eh ikaw lang ang nakikita niya.
  • Joker - Sila yung masaya kasama. Napapatawa ka pag down ka or kung may problema ka. Nabubuo yung araw mo dahil sa mga jokes niya. Yung tipong kahit hindi nagpapatawa eh nakakatawa. Sila yung mga lalaking may matinding sense of humor.
  • Simple - Sila yung mga ordinary guys na kinaiinlove-an natin. Simpleng smile na pamatay to death. Simpleng manamit, hindi yung overdressed na akala mo sasali sa isang costume party. Simpleng magmahal, hindi sila buong-buo kung magplease ng babae. Pag pwede na, okay na sakanila. Usually kaagaw mo din yung barkada niya. Kahit simple yang mga yan, yan din naman yung simpleng bagay na nagpapangiti satin.

  • Trying hard - Sila yung mga pasikat, hindi naman sumisikat. Gustong maging ganito ganyan. Feeling ganito ganyan. Pero kahit ganun yan, sila yung mga lalaking nagta-try ng kanilang best para lang mapasaya ka.

  • Two timer - Akala mo ikaw lang, yun pala may karibal ka na. May karelasyon sa isa, meron din sa isa. Hindi nakukuntento sa isang babae. Yung mga relationships niya hindi nagtatagal, halos mga 1 month lang ang basehan. Pag nakipagbreak sa isa, meron na ulit agad. Ambilis maka-move on. Eto yung mga major heartbreakers kaya mahirap pag nainlove ka sakanila.

No comments:

Post a Comment