Tuesday, May 03, 2011

Para sa mga Lalaki

  • Wag kang paasa. Kung gusto mo siya, sabihin mo sakanya.. kasi mahirap sa part ng babae ang unang mag-confess ng nararamdaman nila para sa isang lalaki. Believe me, it takes a lot of courage kapag ang babae ang unang nag-confess ng nararamdaman nila. At kung hindi mo naman siya gusto, wag kang magpakita ng motibo para mahalin ka niya kasi aasa at aasa yan pag lalo kang naging sweet sakanya.
  • Kung mahal mo, patunayan mo. Make her happy, alagaan mo, treat her like a queen at ang pinaka-importante sa lahat.. RESPETO. Kung mahal mo talaga siya, maghihintay ka sa tamang panahon.
  • Seryosohin mo. Ang pinaka-magandang bagay na magagawa mo sakanya para mapatunayang seryoso ka sakanya ay ang mapakilala siya sa mga magulang mo. I swear, the girl would appreciate that a lot. At sa mga panahon na magde-date kayo, hold her hands because by holding her hands, it’s as if you want to say to the people around you, “SHE’S MINE.”
  • Makuntento ka. Kasi pag ang babae nag-seryoso, ikaw lang ang hahanap-hanapin niyan. Makukuntento siya sa’yo kahit gaano pa katagal ang pinagsamahan niyo. Lahat ng babae, selosa. May tiwala man yan sa’yo, mag-seselos at mag-seselos pa din yan. Mananahimik lang yan sa isang tabi pero ang totoo, nagseselos yan. Hindi naman sa wag kang dumikit sa lahat ng babaeng makikita mo, ang gawin mo lang.. “dumistansya” ka. Kung alam mong ika-seselos niya eh wag mo nang gawin.
  • Wag kang mag-sasalita ng “forever” kung hindi mo naman kayang tuparin. Kasi sa totoo lang, wala namang forever eh. Wag na wag mo lang babanggitin sakanya ang salitang “forever”. Masasaktan lang kayo sa salitang yan. Aasa at aasa yan. Mahalin mo lang siya hangga’t kaya mo. Mahalin mo siya hanggang may oras pa. Mahalin mo siya ng buong-buo. Pero wag na wag kang bibitaw kung alam mong mahal mo pa siya. Ang tanga mo na pag bumitaw ka. Nandiyan na, binitawan mo pa. Sige ka, makahanap pa yan ng iba

No comments:

Post a Comment